MISIS PATAY SA SAKSAK NI MISTER

LUCENA CITY – Patay ang isang 60-anyos na babae nang saksakin ng kanyang asawa habang nag-aaway dahil sa bisyo ng suspek at problema sa pera, sa kanilang bahay noong Linggo ng gabi.

Kinilala ang Lucena City Police ang biktimang si Irenia Lopez Paraiso, residente ng Brgy. 10 sa nabanggit na lungsod.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-8:00 ng gabi nang mag-away ang biktima at ang kanyang asawa na si Nestor Bacus Paraiso, 61, driver, dahil sa bisyo ng lalaki at sa kanilang problema sa pera.

Humantong ito sa pananakit ng lalaki ang kanyang misis kaya humingi ng tulong ang ginang sa mga barangay tanod.

Pabalik na sa bahay ang biktima kasama ang mga tanod nang biglang harangin ang mga ito ng mister na armado ng patalim.

Pinigilan nito ang kanyang misis saka inundayan ng saksak. Tinamaan sa leeg ang biktima bago pa man nakakilos ang mga tanod.

Hindi na naisugod ang biktima sa ospital, na walang buhay na bumulagta.

Tinangka naman ng suspek na tumakas subalit nadakma ito ng mga tanod at dinala sa himpilan ng pulisya.

Nakakulong na sa Lucena City Police Station detention cell ang suspek na sasampahan ng kaukulang kaso. (NILOU DEL CARMEN)

81

Related posts

Leave a Comment