MISSING SABUNGEROS POSIBLENG SINUNOG NA- PDU30

MAY suspetsa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuluyan nang pinatahimik ang mahigit 30 nawawalang sabungero magmula nang pumutok ang kontrobersiya sa e-sabong.

Naniniwala ang Pangulo na sinunog na ang katawan ng mga ito.

Sang-ayon din ng Chief Executive, na may mga pulis na sabit sa pagkawala ng mga sabungero.

Ito ay dahil batid naman aniyang kayang gawin ng mga pulis ang harap- harapang pasukin ang isang bahay at dukutin ang kanilang subject na diskarte aniya ng ilang tiwaling nasa law enforcement gaya ng ilang kagawad ng PNP.

“But ‘yang pulis, hindi naman lahat, hindi ko nilalahat, kakaunti lang ‘yan sila, pero ‘pag ang pulis na ang pumasok… Ayan sa e-sabong ngayon may mga pulis na sabit kasi identified sila. Why? Bakit pulis? Eh sila lang man ‘yung law enforcement, sila lang ang makapasok ng mga ganoon. Mga ganoon na istilo, may pulis talaga ‘yan. Iyang magpasok ng bahay, mag-kidnap harap-harapan, tapos wala na. Saan na ‘yung nawala? ,”ayon sa Pangulo.

“Well, hindi na nakita. What is my suspicion? Sinunog ‘yung mga katawan nu’n,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, sinabi rin ng Pangulo na maaari na niyang desisyunan ang magiging kapalaran ng e-sabong o online cockfighting operations.

Ito’y kasunod ng mahigpit na pagsusuri ng Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sa katunayan, inatasan ni Pangulong Duterte si DILG Secretary Eduardo Año na magsagawa ng survey sa industriya.
“Given its network within the local units, and gather feedback in both cities and provinces regarding its operations,” ayon sa Pangulo.

Matatandaang, kinuwestyon ni Senador Francis Tolentino ang legal na awtoridad ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na mag-isyu ng license to operate sa mga operator ng e-sabong o online sabong sa bansa.

Ginawa ni Tolentino ang pahayag sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs kaugnay sa tumataas na bilang ng mga nawawalang sabungero na sangkot sa e-sabong games. (CHRISTIAN DALE)

99

Related posts

Leave a Comment