MISTER NA NAGHIHINTAY KAY MISIS BINARIL SA PARKING LOT

DEAD on the spot ang isang lalaki na susundo lamang sa kanyang misis matapos na ito ay barilin sa parking lot ng kanyang pinaghihintayang ceramics store sa Brgy. San Antonio, Sto. Tomas City, Batangas, Martes ng hapon.

Kinilala ng Sto. Tomas City police ang biktima na si Christopher Baytan, residente ng Blue Isle Subdivision, Brgy. San Antonio, sa nasabing lungsod.

Batay sa report ng pulisya, dakong alas-5:00 ng hapon, nakaupo ang biktima sa kanyang  motorsiklo sa parking lot nang dumating ang mga suspek na magkaangkas sa isa ring motorsiklo.
Bigla na lamang binaril ng backrider sa ulo ang biktima na agarang ikinamatay nito.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa krimen at kung sino ang mga salarin. (NILOU DEL CARMEN)

147

Related posts

Leave a Comment