ARESTADO ang isang miyembro ng Ozamis criminal group na responsable sa bentahan ng mga baril at nagpanggap na kasapi ng Philippine National Police (PNP), sa isinagawang Oplan Paglalansag sa Bacoor City, Cavite noong Biyernes ng gabi.
Ayon sa ulat kay PNP-CIDG Director P/MGen. Eliseo DC Cruz,
kinilala ang suspek na si Alvin Romero y Quimbo, 50, isang matchmaker, ng Martin Compound, San Nicolas 1, Bacoor City, Cavite
Nabatid sa ulat, dakong alas-6:00 noong Sabado ng gabi nang magsagawa ng Oplan Paglalansag ang mga operatiba ng CIDG SMMDFU (lead unit) , Cavite PFU at Philippine Intelligence Agency sa Martin Compound, San Nicolas 1, Bacoor City laban sa suspek dahil sa paglabag sa RA 10591(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) in relation to Comelec Resolution 10728 (Gun Ban).
Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang mga awtoridad na ang suspek ay nagpakilalang miyembro ng PNP at responsable sa pagbebenta ng baril, at robbery holdup. Nag-alok din umano ang suspek ng granada sa poseur buyer.
Subalit lumalabas na hindi konektado ang suspek sa PNP o ano mang ahensiya.
Nakuha sa suspek ang isang kalibre .45 na baril; mga bala; pekeng PNP at AFP ID, granada at boodle money.
Bukod sa naunang kaso, nahaharap din ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9516 at Article 177 (Usurpation of Authority).
Nabatid na ang suspek ay miyembro ng Ozamis Criminal Group at responsable sa pagbebenta ng baril sa lalawigan ng Cavite. SIGFRED ADSUARA
93