MIYEMBRO NG DAWLAH ISLAMIYA NAPATAY

PATAY ang isang miyembro umano ng terrorist group na Dawlah Islamiya sa pakikipagsagupaan sa mga tauhan ng Polomolok PNP sa South Cotabato.

Kinilala ni Police Lt. Redin Cuevas, deputy chief of police ng Polomolok, ang napatay na si Esmael Sambial, spotter din umano ng Ali Boy Nilong terror group at responsable sa recruitment ng grupo sa Brgy. Basag, Tboli at iba pang barangay sa Polomolok.

Namataan si Sambial kasama ang kanilang lider na si Zadee Nilong, alyas Ali Boy ilong at nasa 15 pang armadong kalalakihan. Ngunit nakatakas ang mga terorista sa gitna ng bakbakan maliban kay Sambial na agad minalas nang mahagip ng mga bala. (JESSE KABEL)

5

Related posts

Leave a Comment