MIYEMBRO NG REY GUTIERREZ DRUG GROUP SILAT SA PNP-PRO5

PATULOY ang paghina Rey Gutierrez drug group nang mahuli ang isa sa mga miyembro nito sa inilatag na anti-illegal drugs operation ng mga tauhan ni PNP-Police Regional Office 5 Director, P/BGen. Jonnel C. Estomo.

Kinilala ang suspek na si Bryan Artymiak y Iglesia, 41, may asawa, residente ng Brgy. Ilaod, Daet, Camarines Norte.

Ang suspek ay kabilang sa PRO5 Recalibrated Priority Database on Illegal Drugs ng rehiyon at matagal nang sinusubaybayan ng mga awtoridad.

Si Artymiak ay nakorner ng pinagsamang mga operatiba ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5-Team Cam Norte; Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit Camarines Norte PPO; at MPDEU ng Talisay MPS, sa pakikipag-ugnayan sa Provincial Drug Enforcement Unit Agency (PDEA) 5, nang kumagat ito sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Jose, Talisay, Camarines Norte.

Sa naturang operasyon, nakumpiska sa suspek ang dalawang selyadong pakete ng plastic na naglalaman ng hinihinalang 10 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P68,000. (JESSE KABEL)

Related posts

Leave a Comment