MIYEMBRO NG SINDIKATO NALAMBAT NG PNP-CIDG

ARESTADO ng mga tauhan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group –Regional Field Unit –NCR ang no. 17 most wanted person ng Manila Police District (district level) dahil sa kasong attempted homicide at paglabag sa RA 10591 in relation Omnibus Election Code (gun ban) sa Pampanga St., Gagalangin, Tondo, Manila noong Sabado.

Ayon sa ulat na isinumite CIDG-RFU-NCR Director Police Colonel Randy  Glenn Silvio kay PNP-CIDG chief, Police Maj. General Eliseo  DC Cruz, kinilala ang suspek na si Catalino de Guzman y Bunag, nadakip sa CIDG Flagship project OPLAN Pagtugis, Salikop, at Paglalansag Omega in relation to CIDG CIACO.

Napag-alaman, ang mga operatiba ng Manila DFU (lead unit) kasama ng mga tauhan ng MPD Warrant Section sa koordinasyon ng Manila Police District, ay nagsagawa ng manhunt operation laban sa suspek na nagresulta sa pagkakaaresto nito sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Richelle Lou S. Boling-Sanchez, ng Metropolitan Trial Court Branch 29, Manila na may petsang Marso 29, 2022, na may inirekomendang piyansang P12,000 para sa pansamantala niyang paglaya.

Nakumpiska ng mga awtoridad mula sa suspek ang isang .45 caliber pistol (Colt MK IV Series 80); isang magazine para sa .45 caliber pistol; tatlong piraso ng bala para sa .45 caliber pistol; at isang itim na sling bag.

Ang suspek ay miyembro umano ng Zarandin criminal group na iniulat sa ilalim ng I.R. File No. MDFU-NCR-06050-06.

Ang nasabing grupo ay sangkot umano sa serye ng illegal drug trading and selling ng unlicensed firearms sa Maynila partikular na sa Tondo, at sa kalapit na mga lugar.

67

Related posts

Leave a Comment