MOST WANTED SA SORSOGON NALAMBAT SA CAVITE

CAVITE – Natunton sa bayan ng Naic sa lalawigang ito ang no. 1 most wanted person (MWP) sa Magallanes, Sorsogon sa isinagawang operasyon ng mga awtoridad.

Si Eduardo Espedillion y Gojo, 36, isang construction worker, ay itinuturing na MWP rank no. 1 municipal level sa Magallanes, Sorsogon.

Ayon sa ulat, nakipag-ugnayan ang Magallanes Police Station at Sorsogon Provincial Police Office (PPO) sa Intelligence and Warrant Operatives ng Naic MPS nang nakatanggap ng ulat na si Espedillon ay nagtatrabaho bilang isang construction worker sa Naic, Cavite.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng operasyon ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek sa Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite noong Sabado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Erwin Fortes Honra ng RTC Branch 65, Bulan, Sorsogon.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa suspek sa kasong murder. (SIGFRED ADSUARA)

68

Related posts

Leave a Comment