MOTOR SINURO NG SUV, 3 TINEDYER PATAY

patay

LAGUNA – Dead on arrival sa pagamutan ang tatlong teenager na sakay sa motorsiklo matapos mabangga ng SUV noong Linggo ng gabi sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Barangay San Rafael, San Pablo City sa lalawigang ito.

Ayon kay San Pablo City Police chief, P/Lt. Col. Joewie Lucas, ang mga biktima ay pawang mga menor de edad na agad binawian ng buhay sa insidente dahil sa matinding pinsala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan makaraang tumilapon ng ilang metro ang layo sa highway nang mangyari ang insidente dakong 11:50 ng gabi.

Base sa inisyal na imbestigasyon, pawang mga walang suot na helmet ang mga kabataan na bumabaybay sa Alaminos , Laguna nang mabangga ng Toyota Hilux na may plate number NET 4699, patungong Tiaong, Quezon na minamaneho ni Vicente Ray Miranda Palmon III,  isang negosyante, ng San Juan City.

Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide ang haharapin ng driver sa nasabing insidente. (CYRILL QUILO)

29

Related posts

Leave a Comment