MOTORSIKLO NASALPOK NG TRUCK, 2 PATAY

patay

BATANGAS CITY – Patay ang dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo nang masalpok ng kasalubong na ten-wheeler truck sa Brgy. San Isidro sa lungsod na ito, noong Linggo ng umaga.

Kapwa dead on the spot ang dalawa matapos na parehong pumailalim sa truck.

Kinilala ang mga biktimang sina Paolo Miguel Aquino, 20, nagmamaneho, at John Paul Noche, 27-anyos, kapwa nagtatrabaho bilang barista at waiter sa isang restaurant.

Batay sa report ng Batangas City Police, dakong alas-4:30 ng madaling araw nang magkasalpukan ang dalawang sasakyan sa kurbadang bahagi ng highway sa Sitio Curva.

Nasakop umano ng motorsiklo ang linya ng truck kaya nabulaga ang nagmamaneho ng ten-wheeler.

Nasa kustodiya na ng Batangas City Police ang driver ng truck na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide. (NILOU DEL CARMEN)

Related posts

Leave a Comment