MT. MAYON PATULOY SA PAGBUGA NG LAVA

INIHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) noong Lunes, naobserbahan nila sa Mayon Volcano Observatory ang patuloy na mabagal na pagbuga ng lava mula sa summit crater.

Mula Nobyembre 4 hanggang Nobyembre 5 ng gabi, napansin sa Mayon Volcano Observatory ang incandescent pyroclastic density currents (PDCs) o “uson” na gumagalaw pababa sa kahabaan ng Miisi, Bonga, at Basud Gullies, ani Phivolcs.

Sinabi pa ng Phivolcs, may kabuuang 84 rockfall events at 141 volcanic earthquakes ang naitala, 139 dito ay volcanic tremors na tumagal na isa hanggang limang minuto.

Samantala, ang sulfur dioxide (SO2) emission ay may average na 920 tonelada kada araw hanggang Nobyembre 5, ani Phivolcs.

Kaugnay nito, binabalaan ng Phivolcs ang publiko sa mga panganib ng PDCs, lava flows, at rockfalls bukod sa iba pang mga panganib sa bulkan, dahil ang Bulkang Mayon ay nanatiling nasa Alert Level 3.

(PAOLO SANTOS)

124

Related posts

Leave a Comment