MULTI MILYONG HALAGA NG HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT

MULTI MILYONG halaga ng high grade marijuana o mas kilala sa tawag na kush, ang nasabat sa joint anti-drug smuggling operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Custom sa Port of Manila.

Ayon sa ulat ng PDEA, bukod sa kush ay may iba’t ibang marijuana by products din ang kasamang nadiskubre sa South Harbor Port of Manila, ng mga tauhan BOC Seaport Interdiction Unit North Harbor at PDEA.

Nakapaloob ito sa ilang kahon na may tatak na “Lawin Balikbayan Box” na nagmula sa bansang Thailand

Batay sa report na nakarating sa tanggapan ni PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, katuwang ang mga tauhan ng Aduana, ikinasa ang interdiction operation sa tulong Custom PDEA SIU – POM PDEA SIU MICP, Regional Office NCR K9 Unit, PNP at MPD DDEU at isinagawa ang physical examination sa kahina-hinalang mga kargamento sa Bagong Warehouse 3 ATI Container Yard Port of Manila.

Nabatid na isang KD Bentayen ang sender ng mga kontrabando na naka-address naman sa Asia Damoco KC-761 Upper Cross Lt. Benguet bilang consignee.

Batay sa inisyal report ng Anti-Illegal Drug Law Enforcement Unit, umabot sa 122 foil pack ng kush or high grade marijuana na tumitimbang ng isang kilo ang bawat isa, ang nadiskubreng nakapaloob sa limang balikbayan box na tinatayang nagkakahalaga ng P146,400,000 ang street value o Standard Drug Price, na ipinadala ng isang Shiela Mae Alvarez na nakapangalan sa iba’t ibang consignee.

Habang ang 13 backpack box na naglalaman ng 37 plastic box na may 292 pirasong plastic pack na naglalaman din ng marijuana kush na 146 kg. ang timbang, ay may street value na aabot sa P175,200,000.

Apat na plastic box na naglalaman ng 162 pcs na maliliit na kahon na naglalaman ng kabuuang 810 piraso ng vape, na naglalaman ng hinihinalang cannabis sativa oil, ay tinatayang P81,000 ang halaga.

Kabilang pa sa mga kontrabandong nasamsam ang 16 pcs. small canister na naglalaman ng hinihinalang marijuana kush na may bigat na 450 grams; tatlong pakete ng pinatuyong mushroom na may 1.5 kg; dalawang maliit na brick ng hashish at walong maliit na pakete ng pulbos na marijuana

Samantala, sinabi ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio, ang operasyong ito ay “nagpapakita ng ating pangako sa pag-iwas sa ilegal na droga sa ating mga komunidad”.

Sinabi pa ni Comm. Rubio, ang mga consignee, nagpadala, at tatanggap ng balikbayan boxes ay posibleng mahaharap sa mga kasong paglabag sa Section 118 (prohibited importation and exportation) at Section 1400 (misdeclaration) sa goods declaration, at Section 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA) at Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).

Bukod pa ito sa kasong kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2000, sa nagpadala at pinadalhan, na ihahain ng PDEA

“Over the past year, the BOC has consistently demonstrated dedication in thwarting the infiltration of controlled substances across our borders. The commendable success of this operation sends a resounding message that we will not be stopped in our fight to protect the nation from the dangers of illegal drugs,” dagdag pa ni Comm. Rubio.

(JESSE KABEL RUIZ)

57

Related posts

Leave a Comment