MURDER SUSPECT TIMBOG SA CIDG RIZAL

RIZAL – Hindi na nakaporma sa mga tauhan ng CIDG Rizal ang isang lalaki nang madatnan sa kanyang bahay sa Aran St., Bagong Buwan, sa bayan ng Binangonan sa lalawigang ito, nitong Miyerkoles ng madaling araw.

Kinilala ni P/Maj. Leopoldo Cajipe, ng CIDG Rizal Office, si Mamerto Catong Dapusala Jr., alyas “Jun Cedar”, bilang wanted sa pagpatay at maraming kasong nakabinbin, at nahulihan ng tatlong baril, mga bala nito at isang granada sa kanyang bahay.

Dala ng CIDG Rizal sa kanilang operasyon ang isang search warrant sa pagtungo sa isang bahay sa masukal na lugar kung saan nadakip ang nasabing suspek.

Nasa pangangalaga na ng mga awtoridad ang suspek at nakahanda na ang patong-patong na kasong isasampa laban dito. (KNOTS ALFORTE)

21

Related posts

Leave a Comment