MWP SA CARNAPPING TIKLO SA CAVITE

kulong

CAVITE – Arestado sa bisa ng warrant of arrest ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Cavite ang tinaguriang most wanted Person (MWP), regional level, sa isinagawang operasyon sa bayan ng Silang sa lalawigang ito, noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Salvador Arnedo II y Salayog, 20, ng Brgy. Yakal, Silang, Cavite.

Ayon sa ulat, sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Assisting Judge Minnelli S. Rocio-Carvajal, ng RTC Branch 18, Tagaytay City, Cavite, dakong alas-6:02 gabi ay nagsagawa ng Oplan Pagtugis ang mga operatiba ng CIDG Cavite PFU (lead unit) kasama ang Cavite PFMC, 401st A MC RMFB4A, HPG Cavite at Silang MPS, sa Brgy. Yakal, Silang, Cavite na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Si Arnedo ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 3 ng RA 10853 (New Anti-Carnapping Act of 2016) at inirekomenda ng korte na maglagak ng halagang P300,000 bilang pynasa para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Ang suspek ay nasa listahan ng MWPs ng PRO Calabarzon, regional level. (SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment