MWP SA MURDER NASAKOTE SA CALOOCAN

NALAMBAT sa Caloocan City ang isang lalaking kabilang sa most wanted persons ng lungsod dahil sa kasong murder.

Huli ang suspek na si Jeffey Arfon y Salcedo alyas “Bokbok”, 24, ng Barangay 171, Bagumbong, Caloocan City.

Natimbog ang suspek sa operasyon sa Tierra Nova, Barangay 171, Bagumbong, ng lungsod, dakong alas-11:30 ng umaga noong Enero 6.

Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Elvin Lobina Siosana, ng RTC Branch 128, Caloocan City dahil sa kasong murder. (ALAIN AJERO)

24

Related posts

Leave a Comment