MWP SINILBIHAN NG WARRANT SA MANILA CITY JAIL

HINDI akalain ng isang 22-anyos na inmate sa Manila City Jail na madidiskubre ang isa pa niyang kaso nang silbihan siya ng mga tauhan ng Manila Police District – Sta Mesa Police Station 8, ng warrant of arrest sa kasong attempted murder.

Kinilala ang suspek na si Mark Jefferson Castro, binata, ng Muñoz Street, Malate, Manila.

Base sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Dionnelle Brannon, station commander, bandang alas-1:00 ng hapon nang isilbi ang warrant of arrest kay Castro sa selda ng Manila City Jail.

Isinilbi ang nasabing warrant of arrest laban sa suspek ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section, kasama si Police Captain Mark Anthony Manuel ng Regional Investigation Division ng NCR.

Napag-alaman, nakulong si Castro noong Oktubre 25, 2022 dahil sa kasong alarm and scandal at paglabag sa Republic Act 10591(illegal possession of firearm and ammunitions. (RENE CRISOSTOMO)

236

Related posts

Leave a Comment