NAG-RAMBO SA LAWTON BINITBIT NG PARAK

BINITBIT ng mga parak ang isang 30-anyos na lalaki habang nagpupuyos sa galit na naghahamon ng away habang iwinawasiwas ang kanyang baril sa harap ng ‘Park and Ride’ sa Lawton St., Ermita, Manila noong Linggo ng gabi.

Hindi nakapalag nang sunggaban ng mga operatiba ng District Investigation Division, Special Mayor’ Reaction Team (SMaRT) ang suspek na si Pedrerito Torres, binata, ng Estero De Magdalena Street, Tondo, Manila.

Ayon kay Police Major Eduard Samonte, hepe ng DID-SMaRT, bandang alas-9:00 ng gabi nang mamataan ang suspek na bitbit ang .38 kalibreng baril sa nabanggit na lugar at naghahamon ng away.

Bunsod nito, ini-report ng ilang concerned citizen ang insidente sa

tanggapan ni Major Samonte na agad namang iniutos sa kanyang mga tauhan na sina Police Staff Sergeant Dan Aris Villanueva at si Police Staff Sergeant Jomar Regacho na agad na magresponde.

“Tang..na n’yo, lahat ng tira na nakawan dito, sa akin n’yo ibinibintang, sige ngayon magbintang pa kayo, papatayin ko kayo!” sigaw umano ng suspek na agad na inaresto ng mga awtoridad at kinumpiska ang hawak na baril.

Sinasabing ang suspek ay holdaper umano sa area ng Lawton at Intramuros.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article 155 ng RPC (Alarm and Scandal), at Republic Act 19591(Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act). (RENE CRISOSTOMO)

41

Related posts

Leave a Comment