Naglalaba kasama ni Ate BATANG BABAE NALAGLAG SA ILOG, NALUNOD

QUEZON – Nalunod ang isang 7-anyos na batang babae makaraang mahulog sa ilog habang naglalaba sa Barangay Banot, sa bayan ng Sampaloc sa lalawigang ito, noong Biyernes ng umaga.

Ayon sa Sampaloc Police, wala nang buhay ang biktimang si Jesica Olager nang mai-ahon ng sumaklolong mga kapitbahay.

Batay sa report, ang biktima kasama ang kanyang 14-anyos na kapatid na babae, ay naglalaba sa gilid ng Maapon river sa nasabing bayan dakong alas-8:00 ng umaga.

Subalit nadulas ang bata at nahulog sa tubig hanggang sa napunta ito sa malalim na bahagi.

Agad na humingi ng tulong sa mga kapitbahay ang kapatid ng biktima at pinagtulungang sagipin ang bata.

Isinugod ito sa ospital subalit idineklarang dead on arrival ng doktor. (NILOU DEL CARMEN)

19

Related posts

Leave a Comment