Nagpaandar ng generator pinaghahanap LINEMAN NAKURYENTE SA POSTE, PATAY

CAVITE – Nalagutan ng hininga ang 31-anyos na lineman nang nakuryente habang tinatanggal ang lumang wire na nakakabit sa poste ng kuryente sa bayan ng Naic sa lalawigang ito, noong Lunes ng umaga.

Isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital ang biktimang si Heherson Laurente y Gaviola, 31, ng Brgy. Timalan Balsahan, Naic, Cavite subalit hindi umabot nang buhay.

Pinaghahanap naman ng mga awtoridad ang isang Ed Mark Anciano, residente ng Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite na pinaniniwalaang siyang dahilan kaya nakuryente ng biktima.

Ayon sa ulat, tinatanggal ng biktima ang lumang linya ng kuryente dakong alas-10:15 ng umaga sa Brgy. Malainen Bago, Naic, Cavite nang bigla itong nangisay nang makuryente.

Pero bago ang insidente, wala umanong kuryente sa lugar kaya gumamit ang suspek ng generator at ikinabit ito sa linya ng poste upang magkaroon ng kuryente naging dahilan upang makuryente ang biktima.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

38

Related posts

Leave a Comment