Nagpanggap na kostumer, killer pala VENDOR NIRATRAT NG TANDEM

0

BATANGAS – Dead on the spot ang isang tindero ng gulay matapos na ratratin ng riding in tandem suspects habang nasa kanyang puwesto sa gilid ng highway sa bayan ng Nasugbu sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Natadtad ng tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Heracleo Bacit, 47-anyos, residente ng Sitio Bolbok, Barangay Butucan.

Batay sa report ng Nasugbu Police, bandang alas-9:00 ng umaga, nasa kanyang vegetable stand ang biktima sa gilid ng Looc Road nang tumigil ang mga suspek na magkaangkas sa motorsiklo.

Nagkunwari umano ang mga itong bibili ng gulay subalit nang makalapit sa biktima ay biglang nagbunot ng baril at pinaputukan ang vendor.

Mabilis na tumakas ang hindi kilalang mga suspek matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente. (NILOU DEL CARMEN).

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment