Nagtalo sa dami ng utang MISTER ARESTADO SA PAGPATAY KAY MISIS

CAVITE – Hawak na ng Cavite Police ang 25-anyos na suspek sa pagpatay sa kanyang live-in partner sa kanilang bahay sa isang subdibisyon sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Lunes ng madaling araw.

 

Kasong murder ang isinampa laban sa suspek na si Glen Fuentes y Manili, dahil sa pagpatay sa live-in partner na si Rutchie Elegio Jamero, 41, kapwa residente ng Brgy. Biga, Tanza, Cavite

 

Si Rutchie ay binaril at napatay ng suspek dakong alas-3:00 noong Lunes ng madaling araw sa kanilang bahay

 

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Jonathan Lagario ng Tanza Police Station, nakarinig ng putok ng baril at pag-iyak ng isang bata ang may-ari ng inuupahang bahay ng mag-asawa kasunod ng tunog ng isang motorsiklo na umalis sa lugar.

 

Pumasok ang may-ari ng bahay sa inuupahan ng mag-asawa at nakitang duguang nakabulagta sa kama ang biktima habang nasa isang sulok ang umiiyak na bata

  

Bago ang insidente, nagkaroon umano ng pagtatalo ang mag-asawa hinggil sa kanilang mga pagkakautang sa iba’t ibang tao. Ang dalawa ay kapwa vendor.  

 

Naaresto naman ang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment