Nagwala sa burol ng misis ng brgy. official AMOK NA CAFGU TODAS SA KAGAWAD

SAMAR – Namatay ang isang miyembro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU, matapos na umano’y pagbabarilin ng isang barangay kagawad sa Calbayog City sa lalawigang ito, noong Sabado.

Kinilala ng Calbayog City Police ang biktimang si Crisanto Domayan, 57-anyos.

Batay sa report ng pulisya, sa hindi matukoy na dahilan, nagwala umano at naghahamon ng away ang biktima sa kanilang lugar sa Brgy. Himalandrog.

Armado ito ng itak at home made shotgun at pagala-gala sa lugar hanggang sa mapunta sa tapat ng bahay ng suspek na si Barangay Kagawad Noli Sameniano na noon ay nag-aasikaso sa burol ng kanyang yumaong asawa.

Ikinagalit ng kagawad ang pagwawala at pag-iiskandalo ng biktima hanggang sa magkasagutan ang dalawa.

Sa kasagsagan ng pagtatalo, kumuha ng baril sa kanyang bahay ang kagawad at pinaputukan ang biktima ng ilang beses na siyang agad nitong ikinamatay.

Tumakas matapos ang pamamaril ang kagawad na ngayon ay pinaghahanap ng pulisya. (NILOU DEL CARMEN)

20

Related posts

Leave a Comment