CAVITE – Nakaposas pa nang damputin ng mga tauhan ng Cavite police ang isang takas mula sa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI), habang naglalakad sa Imus City noong Miyerkoles ng hapon.
Nasa kustodiya na ng NBI ang suspek na si Mark Anthony Clemente y Cerenio, 23, delivery rider, residente ng Tondo, Manila.
Ayon sa ulat ni Police Chief Master Sergeant Nino Corroland ng Imus City Police, dakong alas-11:30 ng umaga nang mapansin ng barangay officials ng Malagasang I-E habang naglalakad na nakaposas ang suspek sa Malagasang Road, Imus City.
Agad namang dinala ang suspek sa barangay hall at ipinaalam ni Brgy. Captain Josefino Sayaman sa Component City Police Station kung saan inimbestigahan at inamin ng suspek na tumakas siya mula sa kustodiya ng NBI.
Hindi naman tinukoy kung paano ito nakatakas at nakarating sa nasabing lugar.
Nabatid na ang suspek ay nahaharap sa kasong syndicated estafa (Article 315 ng Revised Penal Code in relation to PD 1689).
Ang suspek ay itinurn-over na kay SI Edwin Roxas, NBI-IOD/Interpol, Quezon City.
(SIGFRED ADSUARA)
176