NAMBUDOL SA 3 BRGY. OFFICIALS ARESTADO

CAVITE – Hindi umubra ang pangbu-budol isang 27-anyos na babae isang barangay chairman nang ibuking ito ng dalawang barangay official na nabiktima rin nito sa bayan ng Gen. Mariano Alvarez sa lalawigang ito, noong Martes ng hapon.

Hawak na ng GMA Police ang suspek na si Shane Santos Inoc, 27, ng Brgy. Poblacion 5, GMA, Cavite, dahil sa reklamo nina Brgy. Capt. Gerardo Lumagui Gozar, 55, ng Brgy. Gregoria de Jesus; Brgy. Capt. Alexander Alano Noveno, 50, ng B25, L3 Brgy. Olaes, at Virgie Alvarez, ng Brgy. Francisco De Castro,

Ayon imbestigasyon, nagtungo ang suspek sa bahay ni Gozar sa Brgy. Gregoria de Jesus at humingi ng tulong dahil ang umano’y kanyang pinsan ay na-ospital at nangangailangan ng tulong pinansyal at ambulansya.

Nag-abot naman ng P6,000 cash si Gozar sa suspek at tinawagan pa nito si Noveno na ipahiram ang kanyang ambulansya.

Ngunit nang itanong ni Noveno kung sino ang nangangailangan, binanggit nito ang pangalan ng suspek, na natuklasan nitong siya ring taong binigyan niya ng financial assistance, at ni Alvarez na nagkakahalaga ng P10,000.

Dahil dito, hindi na pinakawalan ni Gozar and suspek at binitbit sa pulisya dakong alas-12:05 ng madaling araw noong Martes para sampahan ng kaso. (SIGFRED ADSUARA)

28

Related posts

Leave a Comment