NANGULILA SA PAMILYA, TECHNICIAN NAGBIGTI

PINANINIWALAANG nangulila sa pamilya ang isang 59-anyos na elevator technician na natagpuang patay habang nakabigti sa inuupahang kuwarto sa Sampaloc, Manila.

Hinihinalang ilang araw nang patay ang biktimang si alyas “Rodel”, may asawa, dahil masangsang na ang amoy nito.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Irene Jay Manalili kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-9:25 ng gabi noong Linggo nang madiskubre ang walang buhay na biktima habang nakaupo sa silya at nakabigti sa nylon cord.

Ayon sa kapitbahay na isang tattoo artist, nakalanghap siya ng masangsang na amoy at may nakitang tumutulo mula sa kisame ng kanyang kuwarto kaya inalam niya ito.

Kinatok niya ang pinto ng kuwarto ng biktima ngunit hindi ito sumasagot kaya binuksan sa pamamagitan ng duplicate key.

Nang mabuksan ay tumambad sa kanya ang naaagnas nang bangkay ng biktimang nakabigti.

(RENE CRISOSTOMO)

272

Related posts

Leave a Comment