Nangupit ng P40 BATA IGINAPOS AT BINUGBOG NG AMA

CAVITE – Arestado ang isang lalaki makaraang igapos ng alambre at paluin ng PVC pipe ang kanyang 8-anyos na anak sa Cavite City sa lalawigang ito, noong Miyerkoles ng umaga.

Nakakulong sa Bacoor City Custodial Facility ang suspek na si Ryan Baltazar, ng Brgy. Zapote 2, Bacoor City dahil sa reklamo ng kanyang 8-anyos na anak na babae.

Ayon sa ulat ni Corporal Florenda Asitogue ng Bacoor City Police, nagbabasa ng kanyang aralin ang biktima sa loob ng kanilang bahay dakong alas-6:00 ng umaga nang malaglag ang dalawang pirasong P20 bill mula sa kanyang notebook.

Nakita ito ng ama kaya galit na kinompronta ang anak at tinanong kung saan niya kinuha ang nasabing pera.

Nanginginig naman sa takot ang bata at sinabing kinuha niya ito sa bulsa ng pantalon ng ama na lalong ikinagalit ng suspek kaya kumuha ito ng alambre at iginapos ang mga kamay ng biktima saka pinaghahampas ng PVC pipe.

Kasong paglabag sa RA 7610 (child abuse) ang kinahaharap ng suspek. (SIGFRED ADSUARA)

199

Related posts

Leave a Comment