NASA bansa sa ngayon ang Douglas DC-8-72, na kilala rin bilang NASA817, na ginagamit bilang isang flying scientific laboratory ng NASA.
Ito ay dumating sa Clark International Airport noon pang Pebrero 2 ng hapon mula sa Antonio B. Won Pat International Airport sa Guam.
Ang biyahe nito ay nagsimula noong Enero 29, 2024, mula sa Palmdale Regional Airport sa California.
Mananatili ito sa Pilipinas hanggang Pebrero 15, 2024, na may pangunahing layunin na magsagawa ng mga pag-aaral sa kalidad ng hangin.
Ang misyong ito ang unang foreign deployment ng eroplano sa South East Asia, at ang Pilipinas ang unang stop-over nito.
Pagkatapos ng misyon sa Pilipinas, ang DC-8-72 ay nakatakda ring magsagawa ng misyon sa South Korea, Malaysia, at Thailand.
At matapos ang foreign deployment sa Timog Silangang Asya, ang 54 na taon nang eroplano ay nakatakdang magretiro sa serbisyo na sa Abril 2024.
Ang DC-8-72 na ginawa ng American Douglas Aircraft Company, ay nakuha ng NASA at ginamit na laboratory simula noong 1985.
Naglaan na rin ang NASA ng kapalit nito na isa ring eroplano, ang Boeing 777.
(NILOU DEL CARMEN)
145