NASITANG WALANG HELMET, RIDER BUKING SA BOGA

CAVITE – Nabuking ang itinatagong baril ng isang motorcycle rider nang sitahin dahil sa hindi pagsusuot ng helmet sa Imus City noong Martes ng hapon.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 10591 (Firearms and Ammunition Regulation Act) ang suspek na Si Joelth Jay Calubayan y Jamilla, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Anthony Macarion ng Imus City Police, dakong alas-12:30 ng hapon habang nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga operatiba ng Imus CPS sa Tulay Balimbing, Brgy. Poblacion 4B, Imus City, Cavite, nang sitahin ang suspek sakay ng kanyang itim na motorsiklong Yamaha Mio 125, dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.

Subalit sa pag-iinspeksyon, nakita sa suspek ang isang Lugoc C9 caliber 9mm na may serial number na 196094 at may kargang bala dahilan upang arestuhin ito. (SIGFRED ADSUARA)

108

Related posts

Leave a Comment