NATAGPUANG P40K ISINAULI NG OTS EMPLOYEE

ISANG security screener ng Office of Transportation Security (OTS) ang nagsauli ng P40,000 halaga ng pera na kanyang natagpuan sa loob ng belt conveyor ng X-ray machine, habang ino-operate niya ito sa departure area ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 4.

Ayon kay Undersecretary and OTS Chief Ma. O Aplasca, ang screening security officer ay isang nagngangalang Dian Mahinay, na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Terminal 4.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, pauwi sa kanilang probinsiya si Andres Laforteza Gutierrez ,73, para sa paggunita sa Araw ng mga Patay. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nahulog ang kanyang pera sa conveyor belt ng X-ray machines.

Agad naman ito ipinagbigay-alam ni Mahinay sa Lost and Found Section ng Manila International Airport Authority (MIAA), para maisauli sa lalong madaling panahon sa tunay na may-ari.

At sa pakikipag-coordinate ng MIAA Lost and Found Section at iba pang opisyal ng nasabing ahensiya, ay natunton ang may-ari ng pera.

Malaki naman ang pasasalamat ni Gutierrez kay Mahinay sa pagkakasauli ng kanyang pera. (FROILAN MORALLOS)

11

Related posts

Leave a Comment