NAWAWALANG CARETAKER NATAGPUANG BANGKAY

CAVITE – Bangkay na nang matagpuan ang isang lalaking caretaker na tatlong araw nang nawawala sa bayan ng Gen. Emilio Aguinaldo sa lalawigan noong Martes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si alyas “Joel”, caretaker ng isang Allan Togu.

Ayon sa chairman ng Barangay Lumipa, GMA, Cavite na si Jovy Gloriani, natagpuan ang bangkay ng biktima bandang alas-3:45 ng hapon sa Brgy. Lumipa, Gen. Trias City, Cavite, at ini-report nila sa pulisya.

Nabatid sa imbestigasyon, iniulat na nawawala aang biktima simula pa noong Disyembre 7.

Hindi naman binanggit sa ulat kung may saksak o tama ng bala ng baril sa katawan o ano ang dahilan ng pagkamatay ng biktima. (SIGFRED ADSUARA)

3

Related posts

Leave a Comment