NCR POSIBLENG IBABA NA SA ‘LOW-RISK’

0

POSIBLENG maklasipika na ang National Capital Region (NCR) bilang ‘low risk’ sa COVID-19 sa pagtatapos ng buwan ng Oktubre kung magpapatuloy ang trend ng pagbaba ng mga bagong kaso, ayon sa OCTA Research Group.

Ito ay dahil bumaba sa 2,000 ang ‘seven-day daily average’ ng COVID cases sa rehiyon, ayon kay OCTA member Dr. Guido David.

“Wala tayong nakikitang variant of concern ngayon na threatening, na pwedeng pumasok sa bansa natin. So ang talagang tingin natin, tuloy-tuloy na ‘yan hanggang Pasko,” ayon pa kay David.

Kasalukuyan din na nasa 0.6 na lamang ang reproduction rate ng virus sa Metro Manila na malaki na ang ibinaba sa ideyal na 1.0.

Dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso, inaasahan din na bababa ang ‘healthcare utilization’ sa kalakhang Maynila.

Nasa 11,000 pa ang kasalukuyang ‘seven-day average’ ng mga kaso ng COVID-19 sa buong bansa pero inaasahan na bababa na ito sa 10,000 ngayong papasok na linggo.

May posibilidad umano na magdulot na ang ‘herd immunity’ ng pagbaba ng mga kaso dahil sa kalahati na ng populasyon ng Metro Manila ang nabakunahan laban sa virus.  Inaasahan na lalo pang bababa ang mga kaso kapag tumaas na sa 80 porsyento ang bilang ng populasyon ng rehiyon na nabakunahan. (RENE CRISOSTOMO)

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment