NEGOSYANTE NIRATRAT SA MUNISIPYO, PATAY

BATANGAS – Patay ang isang 44-anyos na negosyante matapos na tadtarin ng bala ng hindi kilalang suspek habang sakay ng kanyang utility van sa harap ng munisipyo ng bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Martes ng umaga.

Kinilala ang Rosario Police ang biktimang si Anselmo Javier Jr., residente ng Brgy. Bayawang, Rosario.

Batay sa report ng Rosario Police, nakaupo ang biktima sa driver’s seat ng kanyang Isuzu Traviz na naka-park sa harap ng munisipyo, nang tabihan ito ng isang motorsiklo at pinagbabaril ng lalaking nakasuot ng helmet at naka-kapote.

Pagkaraan ay mabilis na tumakas ang suspek sa direksyon ng San Juan, Batangas.

Hindi umabot nang buhay ang biktima sa pinagdalhang katabing ospital dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi pa batid ng mga awtoridad  ang posibleng motibo sa krimen. (NILOU DEL CARMEN)

35

Related posts

Leave a Comment