NEGOSYANTE PATAY SA NAKA-LUXURY SUV

BATANGAS -Patay ang isang negosyante nang barilin habang nakikipag-inuman, ng isang lalaking dumating sakay ng mamahaling SUV sa Lipa City, nitong Huwebes ng madaling araw.

Idineklarang dead on arrival sa Ospital ng Lipa ang biktimang si Lorenzo Abadinas Del Rosario, 38, tubong Gapan, Nueva Ecija, residente ng Brixton Homes, Brgy. Balintawak Lipa City.

Ayon sa report, mag-aala-una ng madaling araw, nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga kaibigan sa harap ng kanyang bahay nang dumating ang 40-anyos na suspek na si Jose Leoncio Mea na sakay ng isang BMW SUV.

Kinompronta nito ang biktima na nauwi sa sigawan at mainitang pagtatalo. Pagkaraan ay bumunot umano ng baril ang suspek at binaril ang biktima na tinamaan sa ulo at katawan.

Mabilis na tumakas ang suspek na muling sumakay sa kulay gray na SUV kasama ang isang nagngangalang Toto.

Pinaghahanap na ng pulisya ang nasabing suspek habang inaalam ang dahilan ng pag-aaway ng dalawa.

(NILOU DEL CARMEN)

203

Related posts

Leave a Comment