NEGOSYANTE TODAS SA CALOOCAN AMBUSH

PATAY ang isang negosyante matapos pagbabarilin ng hindi kilalang riding in tandem suspects habang lulan ng kanyang sasakyan sa Caloocan City noong Biyernes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Glenn Cayao, residente ng Block 12, Lot 28, Kalayaan Village, Brgy. 12 ng lungsod.

Ayon sa natanggap na report ni Caloocan Police chief, Col. Samuel Mina Jr., dakong alas-12:30 ng hapon nang mangyari ang insidente sa 6th St., corner 7th Avenue, Brgy. 121 ng lungsod.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima sa kanyang Toyota Fortuner (NBV-2562) habang binabagtas ang naturang lugar nang lapitan ito ng mga suspek na lulan ng motorsiklo saka pinagbabaril sa iba’t ibang parte ng katawan ang negosyante.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek patungong direksyon ng C3 Road habang naiwan naman ang duguan at walang buhay na biktima.

Ipinag-utos na ni Col. Mina ang follow-up investigation para mabatid ang pagkakakilanlan at maaresto ang mga suspek habang inaalam ang posibleng motibo sa insidente. (FRANCIS SORIANO)

64

Related posts

Leave a Comment