NEGOSYANTENG INDIAN ARESTADO SA BI

NADAKIP sa mga ahente ng Bureau of Immigration ang isang Indian national na nadiskubreng nagnenegosyo sa bansa nang walang kaukulang working visa o permit.

Kinilala ni BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., ang arestado na si Inderjeet Bamdev, 36-anyos, naaresto noong Oktubre  24 sa kanyang tindahan sa Brgy. Centro Norte, Camalaniugan, Cagayan.

Ayon kay Manahan, ang pagkakaaresto sa dayuhan ay matapos na makatanggap sila ng reklamo laban kay Bamdev na nagpapatakbo ng kanyang negosyo nang walang kaukulang visa.

“It took hours to take Bamdev into our custody as he refused the arrest. He even bragged that he has the backing of some law enforcement officers and that he is untouchable by BI,” ani Manahan.

Matapos ang beripikasyon sa record ng biyahe ni Bamdev at visa status, napag-alaman na nasa bansa ito nang mahigit apat na taon nang walang kaukulang visa.

Si Bamdev ay kinasuhan sa paglabag sa kondisyon ng kanyang pananatili sa bansa at bilang isang undocumented alien sa ilalim ng Sec. 37(a)(7) ng Philippine Immigration Act of 1940.

Si Bamdev ay kasalukuyang nakapiit sa BI’s detention center sa Taguig City habang nakabinbin ang kanyang deportation proceedings. (JOEL O. AMONGO)

23

Related posts

Leave a Comment