NEWLY-ELECTED OFFICERS NG FRATERNAL ORDER OF EAGLES ISINUSULONG ANG PAGPAPALAKAS NG UGNAYAN SA PAMAHALAAN

LAS PIÑAS CITY — Ipinakilala ang mga bagong halal na opisyal ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (TFOEPE) matapos ang isinagawang eleksyon sa Las Piñas City noong Linggo, Nobyembre 26, 2023 .

Ang halalan ay dinaluhan ng mahigit 4,000 matataas na opisyal ng grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

Nakakuha ni 1,042 boto ni Fraternal Order of Eagles President-elect Eagle Ronald Delos Santos ang pinakamataas na boto na s’yang magsisilbing ika-38 na Pangulo ng Philippine Eagles.

Itinataguyod ni Delos Santos ang unification, organizational restructuring, transparency at general appropriations act, enhanced digitization, website, at portal, eagles cooperative, global expansion of membership, at strong partnership with the government at non-governmental organization.

Pinalitan ni Delos Santos si outgoing Nelson Sarapuddin na ika-37 Pambansang Pangulo ng Fraternal Order of Eagles mula 2021 hanggang 2023 na nakilala bilang disaster responsive president.

Ayon kay Sarapuddin, hiling nya sa susunod na liderato ay ipagpatuloy ang magagandang nasimulan ng kanyang administrasyon na nakapagpa-abot ng tulong sa mga nasalanta ng iba’t ibang kalamidad at mga nangangailangan.

Sa panayam kay Delos Santos ipinangako nito ang pagpapatuloy ng nasimulan ni outgoing President Nelson Sarapuddin, “After this election we will work with our officers and staff para sa planong improvement ng ating organization.Tayo po ay tutulong sa poverty alleviation program ng government at lalo naming pagbubutihin para po matugunan namin at maiayos ang project.”

Ang mga bagong halal na opisyal ay sina Executive National Vice President elect Eagle Jason Masa; Vice President for Luzon elect Eagle Agaton Javier; Vice President for Visayas elect Eagle Arnold de Asis; Vice President elect for Mindanao Eagle Soliven Teo; at ang Board of Trustees na sina Eagle Ronnie Aquino, Eagle Emilio Ramon “ER” Ejercito, Eagle Boy “JM” Llames, at Eagle Yuri Tulawe.

Ang halalan ng mga bagong opisyal ng TFOEPE ay sinaksihan nina Senator Cynthia Villar, Senator Ramon “Bong” Revilla, Senator Francis Tolentino, Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, Sector JV Ejercito, at Usec. Epimaco Densing III, Himamaylan Mayor Raymund Tongson, at Okada NCR-84 Governor Zen Turica na nakatanggap din ng pagkilala sa kanilang pinakitang ng suporta Philippine Eagles.

(DANNY BACOLOD)

950

Related posts

Leave a Comment