Ngayong holiday season PAGDAGSA NG PASAHERO, INAASAHAN NG BI

NANANATILING optimistiko si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na tataas ang bilang ng parating na mga pasahero para sa holiday season sa kabila ng travel restrictions na ipinatutupad dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.

 “We see that domestic travel is, little by little, bouncing back, and we see the same coming soon for the international travel sector,” ani Morente.

Ibinahagi pa ni Morente na sa unang araw ng buwan ay nakapagtala ng 85% ng arrivals ng mga Pilipino, karamihan sa kanila ay mga OFW at balikbayan.

 “Of the more than 6,000 arrivals during the first day of December, the majority are Filipinos. While the numbers remain relatively low, we expect it to slowly rise as we near Christmas and New Year,” dagdag pa niya.

Disyembre noong nakaraang taon ay nakapagtala lamang ng 152,000 passengers na pumasok sa bansa.

Idinagdag niya na ang BI ay naglagay ng mga pamamaraan at paghahanda para sa posibleng pagtaas ng bilang ng mga parating na mga pasahero para sa holiday season.

Pahayag naman ni Atty. Carlos Capulong, BI port operations chief, ang mga Pinoy na pasahero ay dumaan sa pamamagitan ng e-gates na inilagay sa immigration arrival areas sa tatlong terminal ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa Clark International Airport (CIA) sa Angeles City para bigyang prayoridad ang parating na mga OFW na inaasahan ngayong Disyembre.

Ayon pa kay Capulong, ang muling pagbubukas ng e-gates ay ipinag-utos kamakailan ni Immigration Commissioner Jaime Morente, kung saan ay kailangang muling ilunsad ang proyekto sa panahon ng Kapaskuhan dahil sa inaasahang pagdagsa ng international travelers. (JOEL O. AMONGO)

4

Related posts

Leave a Comment