LAGLAG sa ikinasang law enforcement operation ng PNP-Police Regional Office 5 ang isang kumpirmadong kasapi ng communist New People’s Army na may kasong murder sa lalawigan ng Masbate.
Ayon kay Bicol PNP chief, P/Brig. General Jonnel C. Estomo, nadakip si Jurly Cuyos y Dometita sa ikinasang manhunt operation ng Masbate City Police Office katuwang ang CI Team RPSPU5/ PSPG at IOPs Masbate MARPSTA.
Si Jurly Cuyos ay miyembro ng Larangan 1 KP4-Larangan Guerilla North Masbate sa ilalim ng kumand ni Eddie/Arnold Rosero alyas “Star”, ayon sa Masbate Police Provincial Office.
Nahaharap si Cuyos sa kasong murder batay sa ipinalabas na warrant of arrest ng RTC Branch 44, Masbate City noong Pebrero 16, 2022.
Noong Mayo 18, 2021, pinagbabaril umano nito ang biktimang si Joseph Vicente y Manlapaz na agad nitong ikinamatay. (JESSE KABEL)
92