NUMBER CODING SUSPENDIDO SA CHINESE NEW YEAR

SUSPENDIDO ang number coding sa buong Metro Manila nitong Biyernes, Pebrero 9, bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Chinese New year, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), habang deklaradong special holiday naman ng Malacañang ang araw na ito hanggang Sabado sa bisa ng Proclamation No. 453.

Ang Chinese New Year ngayong taon ay natapat sa araw ng Sabado, Pebrero 10 subalit idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang araw ng Pebrero 9 bilang special non-working day sa bansa para sa selebrasyon ng naturang holiday na inaasahang daragsain ng milyong katao ang area ng Manila Chinatown.

Pinapurihan naman ng malaking grupo ng mga mangangalakal, at Filipino Chinese businessmen ang visionary move ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagdedeklara ng Pebrero 9, 2024 bilang isang special non-working Holiday sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year.

Ayon sa Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), “This strategic move carries multifaceted benefits for the Philippines, encompassing economic, diplomatic, tourism, and cultural dimensions”.

Inihayag pa ni FFCCCII President Dr. Cecilio K. Pedro, kinikilala naming mga negosyante ang positive economic impact ng naging kapasyahan ni Pangulong Marcos dahil nagbubukas ito ng daan para maka-attract ng Chinese at Asian tourists na bumisita sa Pilipinas “capitalizing on China and East Asia’s robust tourism markets.”

Sabi pa ni Dr. Pedro, “This move declaring February 9, 2024 as Special non-working holiday in Celebration of Chinese Lunar New Year aligns with the national interest of promoting the Philippines as a prime tourist destination”.

Ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII) ay nagpaabot ng matinding pasasalamat kay Pangulong Marcos para sa pagpapalabas ng Proclamation No. 453.

Ang turismo, isang mahalagang sektor at may malawak na potensyal para sa paglago ng ekonomiya, at may malaking pakinabang, sa pamamagitan ng pagpoposisyon sa Pilipinas bilang isang destinasyon para sa pagdiriwang ng Chinese Lunar New Year.

Inaasahang mag-aambag ito sa pagpapalago ng turismo, aakit ng mga turista na lilikha ng trabaho, mga promosyon sa pamumuhunan at kaunlaran ng ekonomiya, ayon pa sa grupo ng mga negosyante.

Bukod dito, ang pagkilala sa Chinese Lunar New Year bilang isang opisyal na pambansang holiday ay sumisimbolo sa pangako ng Pilipinas na pagkakaisa sa likod ng magkakaibang kultura, idinagdag pa ng Chinoy business group.

Ang deklarasyon ay positibo rin na sumasalamin sa iba pang mga bansang Asyano tulad ng Korea, Vietnam at iba pa na nagdiriwang din bilang kanilang pinakamahalagang holiday, kaya pinalalakas ang pagkakaisa at pagtutulungan ng rehiyon.

Pinupuri ng FFCCCII si Pangulong Marcos sa kanyang pag-unawa sa pagdedeklara nitong espesyal na non-working holiday ang okasyon. Ang visionary move na ito ay hindi lamang nagpapahusay ng mga prospect sa ekonomiya kundi nagpapalakas din ng diplomatikong relasyon, internasyonal na reputasyon ng bansa, nagpo-promote ng turismo, at nagpapalaganap ng cultural inclusivity.

(JESSE KABEL RUIZ)

127

Related posts

Leave a Comment