OBRERO BUKING SA BARIL, PEN GUN

TIMBOG ang isang 33-anyos na construction worker makaraang makumpiskahan ng baril at pen gun sa isinasagawang “Oplan Galugad” ng mga operatiba ng District Special Operation Unit ng Manila Police District sa Isla Puting Bato, Tondo, Manila noong Sabado ng hapon.

Kinilala ni MPD Director Brigadier General Andre Perez Dizon ang suspek na si Ronilo Jay Cacharo, ng Purok 2, Isla Puting Bato, Barangay 20, Zone 2 sa Tondo.

Base sa ulat ni P/Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU ng MPD, bandang ala-1:00 ng hapon nang mamataan ang suspek na kahina-hinala ang kilos, habang nagsasagawa ng pagmamanman ang mga awtoridad sa ilegal na sugal tulad ng Off Track Betting (OTB) at iba pang uri ng sugal.

Nang sitahin ang suspek ay nakumpiskahan ito ng baril at pen gun.

Nahaharap ang suspek sa kasong illegal possession of firearms and ammunition. (RENE CRISOSTOMO)

19

Related posts

Leave a Comment