OBRERO NAKURYENTE, DEDO

NANGISAY hanggang sa namatay ang isang 21-anyos na construction worker sa isang construction site sa Malacañang Park noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Leonard Bulado Jr., binata, tubong Masbate City, at stay-in sa EP Clubhouse barracks sa loob ng Malacañang Park.

Base sa ulat na isinumite ni Det. Jason Ibasco kay Police Lieutenant Dennis Turla, hepe ng Manila Police District-Homicide Section, bandang alas-3:10 ng hapon nang makuryente ang biktima.

Ayon sa imbestigasyon ni Det. Ibasco, may hawak ng kaso, bumalik umano ang biktima sa itinatayong gusali matapos itong  mag-break-time nang biglang nakuryente nang mahawakan ang steel scaffolding.

Isinugod ang biktima sa PSG Station Hospital ngunit idineklarang dead on arrival. (RENE CRISOSTOMO)

20

Related posts

Leave a Comment