OCD GINAGAMIT NG SCAMMERS

NAGLABAS ng babala kahapon ang Office of Civil Defense sa publiko laban sa scammers na gumagamit sa ahensya sa mga ilegal na transaksyon, ayon kay OCD Administrator DND Undersecretary Ariel Nepomuceno.

Nabatid na humingi na rin ng tulong ang ahensiya sa National Bureau of Investigation (NBI) laban sa mga scammer na gumagamit ng pangalan ng OCD sa mga ilegal na transaksyon partikular sa procurement and NDRRMF funding applications.

Binalaan ni OCD Administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno ang publiko na huwag makipagtransaksyon sa mga grupo o indibidwal na nag-aalok ng serbisyo sa pagpoproseso ng mga dokumento sa ahensya, gamit ang forged, falsified, or fictitious documents para mag mukhang legit.

“We would like to caution everyone against the unscrupulous activities of these individuals. We urge the public to be vigilant and not to fall prey to their schemes,” ani Usec. Nepomuceno.

Partikular dito ang may kinalaman sa agency procurement at National Disaster Risk Reduction and Management Fund (NDRRMF) funding applications.

Kasunod nito, binigyang diin ni Nepomuceno na ang lahat ng transaksyon o pagre-release ng mga dokumento ay pinoproseso lamang ng kanilang official channels at authorized personnel.

Hinikayat din nito ang publiko na i-report sa kanilang tanggapan ang kahina-hinalang mga transaksyon.

(JESSE KABEL RUIZ)

38

Related posts

Leave a Comment