OFWs SA ISRAEL KABILANG SA HOSTAGE NG HAMAS

KABILANG ang ilang Overseas Filipino Workers (OFWs) sa mga dinukot at ginawang hostage ng Hamas nang lusubin at maghasik ng kaguluhan ang mga ito sa Israel noong Sabado (Manila time).

Ito ang nakarating na impormasyon kay House Committee on Overseas Workers Affairs chairman, Rep. Ron Salo, subalit walang impormasyon kung ilang OFWs ang dinukot at hawak ngayon ng Hamas na itinuturing na terrorist group na suportado ng Palestine at Iran.

“I am deeply concerned on the safety of our Overseas Filipino Workers (OFWs) captured by the Hamas. Our thoughts and prayers are with the affected OFWs and their families during this challenging time,” ani Salo.

Base sa kumalat na mga larawan sa X, dating Twitter, nakagapos ang OFWs kasama ang Thailand nationals na nasa working mission sa boarder ng Israel at Palestine, kaya kabilang ang mga ito sa ini-hostage ng Hamas.

Dahil dito, hiniling ng mambabatas sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) na gawin ang lahat para sa kaligtasan at upang mabawi ang OFWs.

“We also call on the international community to support our country’s efforts of ensuring that the rights and well-being of our OFWs, as well as all the others who were captured, are respected. We urge all parties involved to exercise restraint and adhere to international humanitarian laws,” ayon pa sa kongresista.

Samantala, nakiisa ang liderato ng Kamara sa buong mundo sa pagkondena sa pag-atake ng Hamas sa inosenteng mga sibilyan sa Israel kung saan hindi lamang mga matatanda ang kanilang pinagbabaril at pinapatay kundi pati ang mga bata.

“I join voices from around the world in strongly condemning the heartbreaking attacks against innocent civilians in Israel. The devastation and loss suffered by families during such significant moments of reverence are beyond words,” pahayag ni House Speaker Martin Romualdez.

Sa ngayon ay nasa ilalim ng ‘state of war’ ang Israel at patuloy ang kanilang operasyon sa Hamas na ikinamatay na ng libo katao sa magkabilang panig.

(BERNARD TAGUINOD)

96

Related posts

Leave a Comment