OMICRON SUBVARIANT XBB POSIBLENG MAKAPASOK NA SA PILIPINAS

covid

POSIBLENG makapasok na sa bansa ang bagong COVID- 19 Omicron Subvariant XBB, ayon sa infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante

Naniniwala ito na maaaring makapasok na ang bagong COVID-19 Omicron subvariant XBB sa bansa dahil sa maluwag na polisiya ng pamahalaan sa “border control” at pagpasok ng mga biyahero.

Ayon pa rito, hindi maaaring maisantabi na ang patuloy na pagkakatala ng mga bagong kaso kada araw sa bilang na 2,000 ay epekto na ng XBB subvariant.

“Hindi natin ma-rule out ‘yan kasi unang-una, ang mga tine-test natin ngayon for sequencing, hindi na ganoon karami ang mga samples. Pangalawa, we have an open border. We have daily flights with Singapore,” saad ni Solante.

“There’s a possibility that this variant can also be present here, but we don’t know. We don’t know yet kasi hindi pa naman nakikita doon sa Philippine Genome Center,” dagdag pa nito.

Una nang sinabi ng Department of Health (DoH) na hindi pa nakapapasok sa Pilipinas ang SBB subvariant.

Sa kabila nito, ipinayo ni Solante sa publiko na manatiling mapagmatyag at umiwas na muna sa paglabas-labas kung hindi naman importante ang pakay. Kailangan din ang masusing pagsunod sa “minimum public health standards” lalo na sa pagsusuot palagi ng face mask at pag-iwas sa kumpulan ng mga tao. (RENE CRISOSTOMO)

145

Related posts

Leave a Comment