ARESTADO sa entrapment operation ang isang babaeng online seller makaraang makumpiskahan ng P86,000 halaga ng pekeng sigarilyo sa Navotas City.
Nahaharap sa kasong paglabag sa Intellectual Property Rights of the Philippines ang suspek na si Olivia Olarte, 44, online seller, ng Brgy. Daanghari, ng lungsod.
Isinagawa ng mga pulis ang operasyon kasama si Phillip Morris Fortune Tobacco Corporation (PMFTC) Illicit Trade Prevention executive Solomon P. Dador Jr., sa panulukan ng M. Naval at Daanghari Streets, Brgy. Daanghari dakong las-9:30 ng gabi noong Abril 4 na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek.
Nakumpiska sa suspek ang halagang P86,000 ng pekeng sigarilyo na mula umano sa hindi pa kilalang supplier sa Tondo, Manila. (ALAIN AJERO)
97