ONLINE TEACHER HULI SA BUY-BUST

NAARESTO ng Cavite Police ang isang online teacher at nasamsam ang mahigit P60,000 halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Imus City, Cavite, Miyerkoles ng hapon.
Kinilala ang suspek na si Cherrie Monzon y Tobis, alias Pik, 46, ng Brgy. Medicion 2-B, Imus City, Cavite.

Sa ulat, dakong alas-2:48 kamakalawa ng hapon nang masakote ang guro sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Imus City Police sa Brgy. Malagasang 2-B, Imus City.

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang 10 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P69,000 at buy-bust money.

Kasong paglabag sa Sec 5 at Sec 11 Article 2 ng RA 9165 ang kinakaharap ng suspek. (SIGFRED ADSUARA)

21

Related posts

Leave a Comment