OPISYAL NG CRIME GROUP TIMBOG SA RAPE

ARESTADO ang sinasabing ‘second in command’ ng isang crime group at wanted sa kasong rape sa Leyte, sa ikinasang joint operation ng mga awtoridad sa Caloocan City.

Dinakip si Ramil B. Declaro noong Oktubre 15 sa Gregoria de Jesus St., Bagong Barrio, Brgy. 139, Caloocan City.

Si Declaro ang sinasabing sub-leader ng kilabot na Limos carnapping group na umano’y responsable sa nangyayaring carnapping incident sa Caloocan City at karatig na mga lugar.

Sinakote ang suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape, na inisyu ni Acting Presiding Judge Carlos O. Arguelles, ng Regional Trial Court, 8th Judicial Region, Branch 18, Hilongos, Leyte. (ALAIN AJERO)

18

Related posts

Leave a Comment