P.4-M MARIJUANA NAKUMPISKA SA CAVITE

CAVITE – Tinatayang halos kalahating milyong pisong halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana ang nasamsam sa arestadong suspek sa buy-bust operation sa Dasmariñas City sa lalawigang ito, noong Huwebes ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Jim Axel Bucal y Trinidad, 21, habang nakatakas ang kasama nito na si Mark Robert Dumala, nasa hustong edad.

Ayon sa ulat ni Corporal Mamol Cunanan ng Dasmariñas City Police, alas-5:5 ng hapon nang magsagawa ng operasyon ang pinagsamang puwersa ng PDEU Cavite PPO at Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Dasmariñas CPS sa Brgy. Paliparan 3, Dasmariñas City, na nagresulta sa pagkakaaresto kay Bucal.

Nakatakas naman si Dimaala nang pumasok sa mga kabahayan sa isang squatters area sa lugar.

Nakumpiska sa arestadong suspek ang apat na piraso ng bricks ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng apat na kilo at may street value na P480,000, at ang buy-bust money na ginamit sa operasyon..

Sasampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang suspek. (SIGFRED ADSUARA)

Related posts

Leave a Comment