P.5-M DROGA NASABAT SA 3 TULAK

ISINELDA ang tatlong lalaki makaraang makumpiskahan ng mahigit sa P.5 milyong halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit ( SDEU) ng Manila Police District – Meisic Police Station 11 sa Binondo, Manila nitong Biyernes ng madaling araw.

Kinilala ang mga suspek na sina Antonio Paloyo, 49, target sa operasyon; alyas “Inso”, 41, at alyas “Jameela”, 31, pawang ng Binondo, Manila.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, station commander, bandang alas-4:10 ng madaling araw, ikinasa ang buy-bust operation sa nasabing lugar na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang 75 gramo ng umano’y shabu na tinatayang P510,000 ng halaga.

Ang mga suspek ay pawang nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

(RENE CRISOSTOMO)

62

Related posts

Leave a Comment