P.5-M SHABU NASAMSAM SA LUCENA CITY

LUCENA CITY – Umabot sa P.5 milyong halaga ng umano’y shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad matapos maaresto ang isang drug personality sa police operation sa lungsod na ito, noong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ng Quezon PNP ang naaresto na si Von Eriche Panergo, 35, residente ng Brgy. 3, Lucban, Quezon.

Ikinasa ng mga tauhan ng PDEU-Quezon, PIU-Quezon, PDEA 4A-Quezon at Lucena DEU ang operasyon laban sa suspek sa Brgy. Bocohan, Lucena City dakong alas-8:30 ng gabi.

Matapos makabili ng isang sachet ng shabu ang poseur buyer, inaresto ang suspek at nakumpiska ang tinatayang 24.29 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P495,516. NILOU DEL CARMEN)

34

Related posts

Leave a Comment